Sakdal
Sakdál Isang kilusan ng mga magsasaka ng Katagalugan na itinatag ni Benigno Ramos noong 1930 ang Sakdál. Bagama’t nag-umpisa ito bilang pahayagan na kumikiling sa interes ng mga “mahina, mahirap, at inaapi,” ang mabilisang pagdami ng mga kasapi nitó, na tinatawag na Sakdalista, ang nag-udyok kay Ramos na gawin itong isang partidong pampolitika noong 1933.…