Lucente, Iluminado
Iluminado Lucente (sk 1883-14 Pebrero 1960) Pangunahing makata at mandudulà sa Leytenhon-Samarnon si Iluminado Lucente (I·lu·mi·ná·do Lu·sén·te). Bukod sa pagsusulat, naging masidhi rin si Lucente sa pagsusúlong ng wikang Waray. Nagsilbi rin siyáng alkalde ng Tacloban at kilalá sa palayaw na Dadoy. Lahat ng dulang naisulat ni Lucente ay itinanghal dahil hinihiling ng mga kababayan…