Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Nagbukel Municipal Park and Nature Resort

 

Ang Nagbukel Municipal Park and Nature Resort ay labing-anim na ektaryang lupain sa Barangay Luttuad, sa bayan ng Diffun sa lalawigang Quirino na nagtatampok ng mga kuweba at bulubundukin ng batong apog at natatamnan ng mga punongkahoy. Nasa tabi nito ang Ilog Ganano na dumadaloy patungong Ilog Cagayan. Naliligid ang mga daan ng Nagbukel ng terasa ng pinagpatong-patong na mga bato. Natatanaw naman mula sa ituktok nito ang kalapit na bayan ng Santiago sa Isabela. Isa sa mga nangangalaga sa Nagbukel ang Lamplighter, isang samahang panrelihiyon sa rehiyon na ang mga kasapi’y nakayapak at may mahahabang buhok. (ECS)

 

 

Cite this article as: Nagbukel Municipal Park and Nature Resort. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/nagbukel-municipal-park-and-nature-resort/