pándakakì
Ang pándakakì (Tabernaemontana pandacaqui) ay isang makinis na palumpong, karaniwang makakapal, na tumutubò sa mababàng pook at tumataas nang isa hanggang apat na metro. Kakaun-ti ang bilang ng putîng bulaklak nitó. Ang bilugang prutas ay kulay pulá hanggang manilanilaw na pulá. Ang dahon ay pahabâ, papanipis ang dulo, makintab, at maikli ang tangkay.
Ginagamit ang pinakuluang dahon nitó bilang mainit na pantapal sa tiyan at puson, pampahid sa eksema, at pina-niniwalaan ding may epektong tulad ng viagra kapag ininom. Ang juice na mula sa dahon ay nakapagpapagalíng ng sugat. Ang pinakuluang ugat ay ginagamit sa pagpapagalíng ng sakit sa tiyan at bituka, lagnat, at mga pag-kirot. Ang dagta ay ipinapahid sa salubsob. Naulat na na-kalalason ang dagta at prutas nitó.
Karaniwang makikita ito sa mga mabababang kagubatan sa halos lahat ng lugar sa Filipinas. Sinasabing mayroon din sa Taiwan at Celebes. Kilalá din ito sa mga tawag na agtimaloi, alibotbot, alibutbut, busbusilak, halibut-but, kudibetbet, kukabulau-buntai, kuribetbet, pandaya, sakang-manuk, salibukbuk, salimbabaya, talanisog, toar, at tunkal. Tinatawag naman itong banana bush at windmill bush sa Ingles. (KLL)