Aswáng

Folklore, mythical creatures, beliefs, mythology, folklore, folk stories

 

 

Pinaniniwalaan sa iba’t ibang lugar at bayan, ang aswáng ay isang nilalang na bahagi ng kuwentong-bayan ng Fili-pinas. May kakayahan itong makapagpalit ng anyo, naka-lilipad, at nahahati ang sariling katawan. Sinasabing nag-nanakaw ito at kumakain ng bangkay lalo na ng puso at atay ng tao. Ang ninakaw na katawan ay hinahalinhan ng katawan ng punò ng saging. May aswang ding tinatawag na mandurugo o yaong parang bampirang sumisipsip ng sariwang dugo ng tao. Kabílang rin sa uri nitó ang mga “manananggál” at “wakwák” o “kawakwák” na nahahati ang katawan at lumilipad. Naiiwan ang baywang nitó at paa sa lupa at lumilipad ang ulo at pang-itaas na katawan upang maghanap ng mabibiktima.

 

Pinansin ng mga kronistang Español na ang aswang ang pinakakinatatakutang nilalang ng mga katutubong Fili-pino kahit pa noong siglo 16. Laganap sa buong Filipi-nas ang paniniwala rito maliban sa rehiyong Ilocos. Ang katangian ng aswang at mga kakabit na salaysay tungkol dito ay nagkakaiba-iba sa bawat rehiyon. Gayunman, may matutukoy na ilang palagiang katangian. Nagbabago-bago ang hitsura ng mga aswang. Sila ay namumuhay bílang karaniwang tao, tahimik, mahiyain at palaiwas sa tao. Sa gabi, nagbabago silá ng anyo—nagiging pusa, baboy, ibon, o aso. Gustong-gusto niláng kumain ng mga sanggol sa sinapupunan o mga batàng paslit. Napahahabà nilá ang kanilang dila na ginagamit nilá sa pagsipsip ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Mayroon ding mapupu-láng mata ang mga aswang na dulot ng pagkapuyat nilá sa paghahanap ng makakain sa gabi.

 

Madalas, kapag may hindi maipaliwanag na pangyayari sa komunidad, ginagawang dahilan ang mga aswang. Halimbawa nitó ang mga nakawan sa mga libingan, pag-kawala ng mga batà, hindi maunawaang mga ingay, o mga táong may kakaibang galaw o gawi. Sa ilang bahagi ng Kabisayaan, ang aswang ay tinatawag na tamawo, tumao, kama-kama, at sok-sok. Ang ilan sa mga ito ay nag-aan-yong hayop tulad ng tiyu-an na isang baboy, at tik-tik at silik-silik na isang uri naman ng ibon. Sa ilang bahagi ng Kabisayaan, ang aswang ay tinatawag na tamawo, tumao, kama-kama, at sok-sok. Ang ilan sa mga ito ay nag-aan-yong hayop tulad ng tiyu-an na isang baboy, at tik-tik at silik-silik na isang uri naman ng ibon.

 

Pinakalaganap sa Kabisayaan, lalo na sa Capiz, ang mga kuwento tungkol sa aswang. Sa katunayan, noong 2004, pinasimulan sa Capiz ang Aswang Festival bilang pantum-bas sa Halloween. Tinuligsa ang pistang ito ng simbahang Katolika kayâ itinigil ito ng lokal na pamahalaan noong 2007. Sa kulturang popular, marami nang pelikula, pro-grama sa telebisyon, at komiks ang nagtampok sa aswang bílang tauhan. (JCN)

Cite this article as: Aswáng. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/aswang/

Related Articles