balakláot

meteorology, climate, wind patterns, weather, weather patterns, Philippine Weather, Philippine Climate, trade winds, seasons

Ang balakláot ay isang malakas na simoy na dumadaan sa Filipinas mula sa hilagang kanluran ng kapuluan at gáling sa bahagi ng Hilagang Pacifico. Tinatawag din itong hanging hilaga at trade winds sa Ingles. Karaniwang dumaraan ang hanging  ito  sa  mga buwan     ng Abril at Mayo at nagdadalá ng pinakamainit na temperatura at pinakamadálang na pag-ulan sa kapuluan.  Karaniwan ding dalá-dalá ng hanging amíhan ang balaklaot kapag dumaraan sa kapuluan sa mga nasabing buwan.

Ang pagdatíng ng balaklaot ay palatandaan ng pagpapalit ng panahon dahil sa Abril kadalasang nagtatapos ang pagdaraan ng amihan na nagdadalá ng katamtaman hang gang sa malamig na temperatura at madalang na pag-ulan, at sa Mayo naman nagsisimula ang hanging habágat na nagdadalá ng malakas na pag-ulan. (MJCT)

 

 

 

 

 

 

Cite this article as: balakláot. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/balaklaot/

 

Related Articles