Raha Baguinda
Si Raha Baguinda (Rá·ha Ba·gín·da) ay isang misyonerong Arabe at prinsipe mula Minangkabau, Sumatra, Indonesia, na isa sa mga unang nagpalaganap ng paniniwalang Islam sa Filipinas.
Nakarating siya sa kapuluan ng Sulu noong 1390, at kasáma ang ilang tagasunod, pinalakas nilá ang relihiyon sa mga isla. Tumira silá sa Buwansa (o Buansa), na siyáng naging unang kabisera ng Sultanato ng Sulu. Ang kaniyang manu- gang na lalaki (asawa ng kaniyang anak na babae na si Para- misuli), si Sharif ul-Hashim (o Abu Bakar), ang naging unang sultan ng Sulu.
Sa kasalukuyan, isang pista sa kaniyang ngalan ang ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Agosto sa Jolo, kabesera ng Sulu, bilang pagkilála sa kaniyang kontribusyon sa kasaysayan ng Sulu at ng bansa. (PKJ)