Bundók Musúan

Geology, mountain, volcano, active volcano, Bukidnon.

Ang Bundók Musúan, na tinatawag din bilang Tuktok ng Musuan at Bulkang Calayo (na nangangahulugang “Bun-dok ng Apoy”), ay isang aktibong bulkan na matatagpuan malapit sa Lungsod Valencia sa lalawigan ng Bukidnon, hilagang Mindanao. May taas itong 646 metro. Hulí itong sumabog noong ika-19 siglo.

Dahil na rin sa liit nitó at kawalan ng nakikitang bun-ganga, maaaring mapagkamalan ang bulkan bilang isang buról lamang. Matatagpuan sa hilaga nitó ang Lungsod Valencia; sa silangan, ang Ilog Pulangi; at sa timog- kanluran, ang Central Mindanao University, na siyáng tagapangalaga ng Mt. Musuan Zoological and Botanical Garden sa paanan ng bundok. Dahil na rin sa lapit nitó sa paman-tasan at Valencia, popular ang bundok bilang pook pasyalan ng mga mag-aaral, mamamayan, at turista. Matatanaw mula sa tuktok ang kanayunan at ang Bundok Kitanglad sa di-kalayuan.

Nananatili pa ring kagubatan ang hilagang dalisdis ng Musuan, samantalang ang ibang bahagi ay nakukumutan ng kugon. Nitóng mga hulíng taon, nagkaroon ng mul-ing-pagtatanim ng mga punò upang ibalik sa dating sigla ang ekosistema ng bundok at kaligiran nitó. (PKJ)

Cite this article as: Bundók Musúan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bundok-musuan/