angkát

imports, economics, trade, Philippine Economy

 

 

Ang angkát ay isang konsepto sa ekonomiya na nangan-gahulugang paninda o kalakal na binili mula sa ibang pook, bayan, o bansa. Kabaligtaran nitó ang konsepto ng luwás o pagdadalá at pagbibili ng paninda o kalakal sa ibang pook, bayan, o bansa. Sa Ingles, ang angkat ay im-port at ang luwas ay export.

 

Ang Filipinas ay nagsasagawa na ng pag-angkat bago pa dumating ang mga mananakop na Español. May mga ulat hinggil sa pakikipagkalan ng mga sinaunang Filipino sa mga dayuhan mulang China, India, at Arabia. Sa pana-hon ng pananakop ng mga Español at dahil sa Kalakalang Galeon, may panahong ang kalakalan ng Filipinas ay na-kasentro sa pagtitipon ng mga kalakal ng bansa at ibang produktong Asiano at pagdadalá ng mga ito sa Mexico upang sa pagbalik ng mga barko ay tumanggap naman ng mga angkat na kalakal mulang Mexico at España. Umun-lad ang pakikipagkalakalan nang bumilis ang paglalayag sa pagitan ng España at ng Filipinas dahil sa Kanal Suez at nang buksan ang mga daungan para sa ibang dayuhang mangangalakal. Naging pangunahing luwasan at angka-tan naman ng Filipinas ang Estados Unidos mula nang mapailalim ang Filipinas sa mga Americano.

 

Malaking problema sa kalakalan ng Filipinas ang pangyayaring higit na malaking porsiyento ng angkat kaysa iniluluwas. Sa kasalukuyan, lumawak ang mga bansang pinag-aangkatan ng Filipinas ng iba’t ibang uri ng produkto, ngunit pan-gunahing bansang pinag-angkatan noong 2012 ayon  sa  laki ng  halaga  ay ang China (10.43%), Japan (10.15%), Estados Unidos (9.02%), Timog Korea (7.84%), Singapore (7.25%), Tai-wan (5.84%), Thailand (4.64%), Saudi Arabia (4.50%), Indonesia (3.74) at Russia (3.66%) . Ang mga pangunah-ing angkat ng Filipinas noong 2012 ayon sa halaga ay ang sumusunod: kasangkapang elektroniko: 15,822,822,887 (25.64%), petrolyo: 12,551,796,684 (20.34%), transporta-syon: 5,117,299,409 (8.29%), mga kemikal: 4,619,921,816 (7.49%), makinarya: 3,601,334,095 (5.84%), iprino-sesong pagkain: 2,604,942,342 (4.22%), sariwang pagkain: 2,138,008,810 (3.46%), mineral: 1,963,772,098 (3.18%), bakal – 1,918,049,829 (3.11%). (MJCT)

Cite this article as: angkát. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/angkat/