makabayan
makabáyan Ang báyan ay isang sinaunang konseptong politikal. Mula dito sumilang noon pa ang mga konsepto ng “namamáyan”, “mamamayán,” at “bayáni”. Ngunit ang konsepto ng makabáyan ay isinilang lámang sa panahon ng paghihimagsik laban sa kolonyalismong Español. Nagmula ito sa pagkakabit ng unlaping “maka-” sa ugat na “báyan.” Ang “maka-” bilang pambuo ng pang-uri…