Ramirez, Dolores A.
Dolóres A. Ramírez (20 Setyembre 1931—) Tanyag na biochemical geneticist at isa sa pinakamahusay na plant breeder ng Filipinas, itinaguyod ni Dolóres Ramírez (Do·ló·res Ra·mí·rez) ang pagpapaunlad sa teorya at praktika ng henetika sa pamamagitan ng pagtuturo, aktibong pananaliksik, at pagsisikap na mapabuti ang mga patakaran sa agham at teknolohiya. Dahil sa kaniyang ambag sa…