lalawigan
lalawígan Ang lalawígan ang pangunahing politikal at administratibong dibisyon ng pamahalaan ng Filipinas. Tinatawag din itong “probinsiyá” (provincia). Nagsisilbi itong mekanismo upang mahusay na maipatupad ang mga prosesong pangkaunlaran at instrumento ng epektibong pama- mahala. Binubuo ang isang lalawígan ng grupo ng mga munisipalidad at lungsod. Maaaring gawing lalawigan ang isang teritoryo kung ito ay…