Garcia, Teofilo
Teofilo Garcia Si Teofilo Garcia (Te·o·fi·ló Gar·sí·ya) ang kinikilálang pangunahing manlilikha ng “tabúngaw” sa Abra at dahil dito’y binigyan ng Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA) nitóng 2012. Si Teofilo ay isang magsasaka at ito ang ibinuhay niya sa pamilya hanggang sa kasalukuyan. Gayunman, kapag nakatapos sa mga gawain sa bukid, inaasikaso niya ang pagtatanim ng…