Gobernador-Heneral
Gobernadór-Henerál Tanatawag na gobernadór-henerál ang pinakamataas na opisyal sa Filipinas sa panahon ng pananakop ng mga Español. Nagtataglay siyá ng tatlong titulo: gobernador-heneral, presidente, at kapitan-heneral. Bílang “kapitán-henerál,” siyá ang pinunò ng hukbong katihan at hukbong-dagat. Siyá rin ang “president” ng audiencia, ang kataas-taasang hukuman noon. Gayunman, sa kaniyang kapasidad bilang presidente, tanging pagdalo lámang…