ul-Hashim, Sharif
Shárif ul-Hashím Si Shárif ul-Hashím, iniuulat ding Abubakár (o Abubakr), ang kinikilálang unang sultan ng Sulu. Ang buong titulo niyang nakaukit sa túmba ay “Paduka Mahasari Maulana al Sultan Sharif ul-Hashim.” Ang “maulana” ay nangangahulugan ng “tagapagtanggol” at ipinantatawag sa isang iginagálang na guro at nakapag-aral na táo. Nagkakaisa ang mga tarsila na ang titulo…