Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Unang Sigwá

Ang Unang Sigwá ay isang panahon ng kaguluhang sibil sa Filipinas bunga ng walang humpay at malalaking mga rali’t demontrasyon sa pangunguna ng mga aktibistang estudyante. Ang mga naturang protesta laban sa pamahalaan ay nagsimula noon pang nakaraang mga taon ngunit umigtingmula Enero hanggang Marso ng1970. Tinuligsa ng mga aktibista ang kutsabahan ng mga politiko sa nalalapit noong Kumbensiyong Konstitusyonal at ang panukalang magbibigay ng karapatan sa noo’y Pangulong Ferdinand E Marcos na tumakbo sa kaniyang ikatlong termino.

Isa ito sa mga dahilan ng pagdeklara ng Batas Militar noong 1972. Nagsimula ito noong Enero 26, 1970 nang magsagawa ng demonstrasyon sa labas ng Malacañang ang mga estudyante sa pangunguna ng Unibersidad ng Pilipinas matapos ang talumpati ni Marcos sa Kongreso. Sinasabing nagsimula ang gulo nang papasakay na ng kaniyang limosin ang pangulo at may nagtapon ng isang papier mache ng isang buwaya sa direksiyon nitó. Hindi siyá tinamaan nitó ngunit rumesponde ang mga pulis sa pamamagitan ng paghampas sa mga estudyante.

Sinundan ito ng mga protesta laban sa karahasan ng pulisya sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila na humantong sa isang martsa mula sa Plaza Miranda hanggang Malacañang na dumaan sa Mendiola Bridge noong Enero 1930. Nanguna sa protestang iyon ay mga radikal na makakali wa, partikular ang lider ng mga kilusan na nagbabantayog kina Jose Maria Sison at Bernabe “Kuya Dante” Buscayno. Sa Malacañang, sinalubong ang mga demonstrador ng mga armadong militar at pulis. Nagkaroon ng palitan ng dahas sa pagitan ng mga pulis at militar gamit ang armas at tear gas at mga demonstrador gamit ang Molotov cocktails at pillbox. Apat na estudyante ang napatay at marami ang nasugatan. (KLL)

Cite this article as: Unang Sigwa. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/unang-sigwa/