Kasike
Kasikè Ang orihinal na baybay ng kasikè ay cacique, isang salitâ mulang Haiti at nangangahulugang “pinunò.” Dinalá dito ng mga Español ang salitâ ngunit ginamit upang tukuyin ang isang mayaman at makapangyarihang lalaki sa isang bayan. Tinatawag din ngayong “pamilyang kasikè” ang pamilya ng isang makapangyarihang lalaki sa isang bayan. Sa panahon ng Español, karaniwang…