Reyes-Urtula, Lucresia Faustino
Lucresia Faustino Reyes-Urtula (29 Hunyo 1929-4 Agosto 1999) Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 1988 si Lucresia Faustino Reyes-Urtula(Luk·ré·sya Faws·tí·no Ré·yes- Ur·tu·lá). Kinikilala siyáng koreograpo at direktor sa teatro at telebisyon. Siyá rin ang tagapagtatag ng The Bayanihan Dance Company of the Philippines. Ang Singkil ang pinakilalang obra sa koreograpiya ni Urtula.…