Jara-Martinez, Josefa
Josefa Jara-Martinez (21 Enero 1894–24 Abril 1987) Tagapanguna ng mga gawaing panlipunan (social works) sa Filipinas, malaki ang naitulong ni Josefa Jara-Martinez (Ho·sé·fa Há·ra Mar·tí·nez) para sa propesyonalisasyon ng mga manggagawang panlipunan. Isinilang siyá noong 21 Enero 1894 sa Mandurriao, Iloilo kina Jose Jara at Emilia Goigil. Noong 1910, ipinadalá siyáng iskolar sa Normal School…