Kapitolyo
Kapitólyo Mula sa Español na capitollo, maaaring tumukoy ang kapitólyo sa (1) pinakamahalagang bayan o lungsod sa bansa o rehiyon, na siyang karaniwang sentrong pampamahalaan at pangkalakal, at tinatawag ding kabesera; o (2) ang gusaling panlalawigan. Ilang halimbawa ng unang depinisyon ang Maynila bilang kabesera ng bansang Filipinas, Dumaguete bilang kabesera ng lalawigan ng Negros…