Antipólo
Antipolo, pilgrimage, festivals, Christianity in the Philippines, Catholiscism in the Philippines, traditions, customs, beliefs
Ang Bírheng Antipólo o Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje (Ang Mahal Nating Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalayag) ay dinalá ng mga misyonero buhat
sa isang parokya sa Acapulco, Mexico. Makailang beses itong nagparoo’t parito noong panahon ng Kalakalang Galeon. Sa tuwing may mahalagang produkto o tao na lulan sa barko, isinasáma ang birhen upang magkaroon ng ligtas na paglalakbay. Iyon ang ugat ng pangalan nitó bílang patrona para sa mabuting paglalakbay. Unang na-glayag ang imahen noong 1626 kasáma ang Gobernador Heneral Juan Nino de Tabora at panghulí noong 1746 sa hiling ng Gobernador Heneral Arrechedera.
Nang malipat sa mga Heswita ang pangangalaga sa ima-hen, inilagay ang imahen sa bulubunduking parokya ng Sta.Cruz sa Morong (Rizal ngayon) na noo’y pinagsisilbi-han ni Fray Pedro Chirino. Palaging nawawala ang ima-hen at natatagpuan sa punò ng tipolo kayâ nagdesisyon ang kura parokong si Fray Diego Garcia noong 1603 na magpatayô ng kapilya para sa imahen sa lugar na laging kinatatagpuan nitó. Ginamit ang punòng tipolo sa pag-gawa ng retablo. Nang magdesisyon ang mga Heswita na magpatayô ng simbahang bato, si Fray Juan de Salazar ang namunò noong 1630 at natapos noong 1653.
Isa sa mga pambi-hirang estruktura sa Filipinas ang Simbáhang Anti-pólo. Ang arkitek-tong si Jose de Oc-ampo ang nagdis-enyo ng simbahan. Modernista ang disenyo nitó na may dome-shaped na bubungan at napapalibutan ng mga stained glass ang ilalim. May laking 40 metro sa diyametro, ang simboryo ng An-tipolo ang isa sa pinakamalaki at pinakaengrandeng estruktura na naitayô noong 1954. Ayon kay Padre Murillo, walang kasingganda ang Simbahang Antipolo noong ika-18 siglo. Bahagya lámang nasira ang simbahan sa mga lin-dol noong 1645, 1824, at 1863 ngunit nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muling ipinagawa ito ni Padre Francisco Avendano sa tulong ng kaniyang kaibigang si Jose de Ocampo. Noong 2002, pinalitan ang sahig nitó ng marmol. Noong 2004, sinimulang baguhin ang disenyo ng harapan sang-ayon sa disenyo ni Joey Amistoso.
Kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng San Jose Mang-gagawa tuwing 1 Mayo, ang Simbahang Antipolo ay dinarayo ng mga mananampalataya upang magdasal sa Birheng Antipolo. Dahil dito, binansagan ang Lungsod Antipolo na “Pilgrimage City of the Philippines.” (SJ)