Ílog Pansípit
Geology, water, river, Pansipit River, Luzon, protected area
Ang Ílog Pansípit ay isang maikling ilog na nagsisilbing nag-iisang lagusan ng tubig mula sa Lawang Taal. Matatag-puan ito sa lalawigan ng Batangas sa timog Luzon. May habà itong 9 km. Mula sa makitid nitóng bukana sa Lawa-ng Taal, dumadaloy ito pakanluran at dumadaan sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas, at Taal bago bumuhos sa Look Balayan. Ang ilog din ang nagsisilbing hanggahan ng mga bayang ito.
Matatagpuan sa ilog ang isdang maliputo (Caranx ignobilis). Sa nakaraan, dose-dosenang uri ng isda ang lumalangoy sa ilog, kabilang na ang isang uri ng pating (bull shark, o Carcharhinus leucas). Nitóng mga hulíng taon, naging suliranin ang pagdami ng mga palaisdaan, na siyáng sumasagwil sa pagdaan ng mga isdang lumalangoy mula lawa papuntang dagat at pabalik. Ipinahayag ang ilog bilang isang protek-tadong pook noong 1996, at pinaigting ang mga hakbang upang tanggalin ang mga mapanirang palaisdaan. (PKJ)