Americano
America, United States of America, American Colonial Period, Colonialism, American Influence
Ang Americáno ay pangkalahatang tawag sa mga tao sa kontinenteng America, baga-man naging karaniwang tawag ito, lalo na sa Filipinas, sa mamamayan ng Es-tados Unidos (United States o US). May pinaikling tawag pa sa kanila na “Kanô.” May iba’t ibang lahi at etni-sidad ang mga mamamayan ng Estados Unidos, mula sa mga katutubong In-dian hanggang sa mga líkas mulang Europa at Africa. Gayunman, malimit na ikinakapit ang Americano o Kano sa may kulay na Putì na mamamayan ng US.
Ikalawa ang mga Americano sa kol-onyalistang sumakop ng bansang Filipinas at naga-nap ito mula 1898 hanggang 1946. [Ikatlo kung isasaa-lang-alang ang maikling panahon ng pagsakop ng mga Ingles.] Sa pamamagitan ng Kasunduang Paris ng 1898, napasakamay ng Estados Unidos ang Filipinas, Cuba, Puerto Rico, bahagi ng West Indies, at Guam sa halagang $20 milyon. Idineklara noong Disyembre 1898 ni Pan-gulong William McKinley ng Estados Unidos na maga-ganap ang isang benevolent assimilation sa Filipinas sa il-alim ng kapangyarihan ng America. Ipinatupad ng mga Americano ang mahahalagang batas tulad ng Batas Jones ng 1916 at Batas Tydings-McDuffie ng 1934 na nagdulot ng pagkakatulad ng sistemang pampolitika ng Filipinas at ng Estados Unidos. Nang sumiklab ang Ikalawang Dig-maang Pandaigdig noong 1942, naagaw ng Japan sa mga Americano ang kontrol sa Filipinas. Dahil dito, umalis sa bansa si Heneral Douglas MacArthur at muling bumalik noong 1944. Noong 4 Hulyo 1946 kinilála ng America ang kasarinlan ng Republika ng Filipinas.
Maikli lámang ang direktang pamamahala ng mga Ameri-cano sa Filipinas kung ikokompara sa 300 taón ng kol-onyalismong Español. Subalit higit na epektibo ang isin-agawang “Americanisasyon” sa mga Filipino. Sa loob ng ilang dekada at sa pamamagitan ng mga kasangkapang pang-edukasyon ay nagkaroon ng isang henerasyon ng mga Filipino na ganap na sumasamba sa superyoridad at kapangyarihan ng Estados Unidos sa lahat ng aspekto ng pamumuhay. Tinuligsa itong pambansang “mis-edu-kasyon” ni Renato Constantino, ngunit hanggang ngayon ay maraming isinasaloob ang kanilang bansag na “Amboy” (American Boy) at ipinagmamalaki ang kadalubhasaan sa Ingles at kulturang Americano sa kabilâ ng nagdaang mat-inding panahon ng aktibismo laban sa kolonyalismong Americano. (KLL)