ditá
Philippine Flora, trees, handicrafts, crafts, building materials, traditional medicine, medicinal plants
Ang ditá (Alstonia scholaris) ay isang uri ng punongkahoy na laging-lungti. Tinatawag din itong Blackboard tree, Devil tree, Milkwood pine, White cheesewood at Pulai. Tu-wid kung tumubò ang punò ng dita na umaabot nang hanggang 40 talampakan. Kadalasang matatagpuan ang punongkahoy na ito sa mga tropikong bansa mula Aprika hangang Timog-Silangan Asia at Polynesia.
Ang makapal na dahon nitó ay makinis ang ibabaw hábang mapusyaw na putî naman ang ilalim. Ang hugis nitó ay pahabâ na may patulis na dulo katulad sa dahon ng mang-ga. Paikot na tumutubò ang mga dahon nitó sa maliliit na sanga. Tuwing Oktubre, mga malalungtiang-puting bulaklak ang namumukadkad sa punò ng dita. Paikot at kumpol-kumpol ang maliliit at mabangong bulaklak nitó.
Malambot ang kahoy ng dita kayâ kada-lasang ginagawang mga taguang kahon o baul o kayâ naman ay pisara. Tinawag itong scholarlis dahil kadala-sang mga gamit sa si-lid-aralan ang nagaga-wang kasangkapan mula sa kahoy ng dita. Mapait ang malagatas na pulut na nakukuha mula sa kahoy nitó. Halos walang amoy ang kahoy ngunit mapait din. Ginagamit din ang ibang parte ng kahoy na panggamot ng iba’t ibang sakit katulad ng malarya, sakit sa tiyan, sakit sa balát, at hika. (ACAL)