Melecio Figueroa
(24 Mayo 1842–30 Hulyo 1903)
Si Melecio Figueroa (Me·lé·syo Fi·ge·ró·wa) ay isang eskultor at grabador na naging miyem- bro ng Kongresong Malolos noong 1899. Siyá ang nagdisenyo at umukit ng Philippine Peso Conant coins, nasalaping US-Philippine Series, mula 1903 hanggang 1906.
Isinilang siyá noong 24 Mayo 1842 sa Arevalo, Iloilo kina Gabriela Magbanua, na namatay noong siya ay batà pa lámang, at Rufo Figueroa, na lumipat sa Sorsogon upang sumáma sa kanilang Tiyo Andres. Siyá at ang mga kapatid niyang babae ay naiwan sa pangangalaga ng kanilang tiyahin na si Juana Yulo, isang tindera. Upang makatawag ng mamimíli sa tindahan ng kaniyang tiya, ipinamimigay niya ng libre ang kaniyang mga ukit na bangka, kalabaw, at manyika.
Sa edad na 16 taón, ipinadala siyá sa Madrid bílangiskolar ni Don Francisco Ahujas na isang konsehero sa Filipinas. Nakarating siyá sa Madrid noong 1866 at pumasok sa Escuela de Artes y Oficios. Lumipat siyá sa Academia Superior de Bellas Artes de San Fernando. Nagtamo siyá dito ng maraming karangalan para sa grabadura, muwestra, at anatomiya. Noong Marso 1876, namatay ang kaniyang isponsor at kinailangan niyang magtrabaho sa siyudad upang makalikom ng pera. Pinahintulutan siyá ng Academia na doon muna manatili hábang pinatatakbo niya ang kaniyang pagawaan ng relo. Nakaraos siyá dahil sa natanggap niyang pensiyon mula sa pagkilála ngkaniyang ginawang busto ni Alfonso XII naitinanghal sa Exposicion de Bellas Artes noong 1875.
Noong 1879, ipinadalá siyá ng Academia sa Roma at iba pang sentro ng sining sa Italy bílang pagkilála sa kaniyang husay. Hábang nása Roma, gumawa siyá ng busto ni Prinsipe d’Odellaski. Naging hurado siyá sa Exposicion de Filipina sa Madrid noong 1887 at siyá ang umukit ng mga medalya para sa timpalak. Noong 1892, bumalik siyá sa Filipinas at nag turo siyá ng grabadura sa Escuelade Pintura, Esculturay Grabado. Noong 5 Hulyo 1893, naging primera klaseng grabador siyá sa Casa de Moneda sa Maynila. Noong 1896, naging representante siyá ng Iloilo sa Kongresong Malolos.
Sumali siyá sa timpalak para sa pagdisenyo ng coinage system noong 1903 at ang kaniyang disenyo ang nanalo. Tinawagna “Conant” ang seryeng salapi ng ito bílang parangal kay Charles A. Conant, isang eksperto sa pananalapi.
Ikinamatay ni Figueroa ang sakit na tuberkulosis noong 30 Hulyo 1903. Inilibing siya malapit sa Tanque, Paco, Maynila. (KLL)