Gínaw Bílog
(3 Enero 1953–2003)
Ipinagkaloob kay Gínaw Bílog at sa mga makata ng ambahan ng Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro ang Gawad Manlilikha ng Bayan noong taóng 1993 para sa masigasig na pagtataguy- od ng eleganteng sining ng “surat Mangyan” at ng “ambáhan.”
Ang ambahan ang tula ng mga Hanunuo Mangyan na binubuo ng pipituhing pantig, at nagtataglay ng mga imahen at metapora. Kabilang sa mga paksanitó ang panliligaw, pagbibigay ng payo sa kabataan, pagtatanong ng matutuluyan, pamamaalam ng isang kaibi- gan, at iba pa. Ang mga tulang ito ay inuukit sa kawayan.
Surat Mangyan naman ang tawag sa paraan ng pagsulat ng ambahan na gumagamit ng sinauna at timog-silanganing iskrip.
Ayon kay Ginaw Bilog, ang ambahan ang susi upang makilala ang kaakuhan ng mga Mangyan. Dahil dito, itinago niya ang mga naitalang halimbawa ng mga am- bahan, hindi lamang ang mga nakaukit sa kawayan kundi pati na rin ang mga nakasulat sa mga nanini- law na pahina ng kuwadernong ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan. Pinakaiingat-ingatan niya sa koleksi- yong ito ang mga minana pa niya sa kaniyang ama at lolo, ang mga itinuturing niyang batis ng inspirasyon at patnubay para sa kaniyang Pumanaw si Ginaw Bilog noong taóng 2003. (GB)