De Ocampo, Geminiano T.
Geminiano T. de Ocampo (16 Setyembre 1907–2 Setyembre 1987) Si Geminiano T. de Ocampo (He·mín·yá·no Ti de O·kám·po) ang tinaguriang “Ama ng Maka- bagong Optalmolohiya” sa Filipinas. Kilalá siyá bilang isa sa pinakamahusay na optalmologo ng bansa, mananaliksik, imbentor, manunulat, at lider sibiko. Pinangunahan niya ang pagtatatag ng kauna-unahang ospital ng matá sa Filipinas at…