bagat

Folklore, mythical creatures, beliefs, mythology, folklore, folk stories, aswang

 

 

Sa paniniwala ng mga Ilonggo, isang uri ng as-wang ang bagat, bagaman may mga nagsasabing mag-kaiba ang dalawa. Pinanini-walaang nagpapanggap ang bagat bilang isang napakal-aking aso o domestikadong hayop at karaniwang pagala-gala sa mga liblib na daan o lugar. Tinatawag  na  baragatan ang mga lugar na itinuturing na pinaglalagian ng isang bagat. Sa iba pang mga salaysay ng mga Ilonggo, ang isang bagat ay maaaring alaga ng isa pang mas malakas na sobrenatural na nilaláng.

 

Nanlilisik ang malalaking matá ng isang bagat at gu-magawa ng ingay o tunog na masasabing mula sa isang malaking nilaláng o mula sa pagaspas ng kaniyang mga pakpak kapag nása tunay na anyo. Karaniwan siyáng nag-papakita kapag kabilugan ng buwan o sobrang madilim at umambon sa panimula ng gabi. Sinasabing hindi na-man umaatake ang bagat maliban kung sinaktan. Kapag umatake, ang panlaban sa bagat ay isang latigo na gawa sa buntot ng page. Maaari namang gamiting panlaban sa bagat ang itak ngunit mahirap itong gamitin kapag napakadilim. (MJCT)

 

 

Cite this article as: bagat. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bagat/