Dambana ng Kagitingan
Dambanà ng Kagitíngan Ang Dambanà ng Kagitíngan (Shrine of Valor sa Ingles) ay isang pambansang dambana na matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, isang makasaysayang bundok sa Barangay Diwa, bayan ng Pilar, lalawigan ng Bataan. Itinayô ang dambana bilang pagkilála sa kabayanihan ng mga Filipinong lumaban at nag-alay ng búhay para sa kanilang bansa…