Digmaang Filipino-Americano
Digmáang Filipíno-Americano Sa ganap na ikawalo at kalahati ng gabi noong 4 Pebrero 1899, pinaputukan ni Private Willie W. Grayson ang isang kawal na Filipino sa kanto ng mga kalyeng Sociego at Silencio sa Santa Mesa, Maynila. Gumanti ng putok ang mga sundalong Filipino. Sa loob ng isang oras, ang dalawang hukbo ay ganap na…