filibustero
filibustéro Ang filibustéro ay tao na mahabang magtalumpati, karaniwang dahil sa layuning binbinin ang pagpapasiyá tungkol sa isang kaso, kontrobersiya, o proyekto, at malimit na ginagawa sa kumperensiya, hukuman, o batasan. Maaari rin itong mangahulugang abenturero noong ika-19 nasiglo na may layuning mangupat ng pag-aalsa sa America Latina. Mula ito sa salitâng Olandes na vrijbuiter…