Julian Felipe
(28 Enero 1861–2 Oktubre 1944)
Si Julian Felipe (Hul·yán Fe·lí·pe) ay kini-kilála bílang kompositor ng musika ngPambansang Awit ng Filipinas, angMarcha Nacional Magdalo na ngayon ay kilala bílang Lupang Hinirang.
Ilan sa mga unang komposisyon ni Felipe ay ang Mateti el Santisimo, Cintas y Flores Rigodo- nes, Amorita Danza, at Reina de Cavite. Nagwagi siyá sa Exposicion Regional na ginanap sa Maynila noong 1895, at inanyayahang maging kasapi ng Sociedad Musical de Santa Cecilia. Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, sumanib siyá sa kilusan at nadakip ng mga Español. Pagkalaya, kinuha siyá ni Heneral Emilio Aguinaldo bílang piyanista at kompositor ng kilusan. Nang ihayag ang Kalayaan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 sa balkohahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Cavite, iwinagayway ang watawat ng bansa kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Felipe. Hinirang siyáng direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Filipinas. Nanilbihan siyáng konsehal ng Lungsod Cavite noong 1902
Isinilang siyá noong 28 Enero 1861 sa bayan ng Cavite kina Justo Felipe at Victoria Reyes. Nag-aral siyá sa pampublikong mababàng paaralan sa Cavite at Binondo, Maynila. Maaga siyáng natutong tumugtog ng piyano atorgano.Nagkaroon siyá ng limang anak sa asawang si Irene Tapia at pumanaw noong 2O ktubre 1944.(PKJ)