Casimiro I. del Rosario

(13 Hunyo 1896–15 Setyembre 1982)

Si Casimiro V. del Rosario (Ka·si·mí·ro Vi del Ro·sár·yo) ang itinuturing na “Dekano ng Pisika sa Filipinas.” Kilalá ang kani-yang kadalubhasaan sa larangan ng pisika, meteo-rolohiya, at astronomiya hindi lámang sa Filipinas kundi sa iba’t ibang panig ng daigdig. Isa rin siyá sa mga pilìng siyentista ng daigdig na unang nagpakadalubhasa sa pisikang nuklear. Malaki rin ang naitulong ni del Rosario sa pagpapaunlad at modernisasyon ng Phillipine Weather Bureau. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Mayo 1982.

Nása Estados Unidos pa ay marami na sa kaniyang siyen-tipikong ulat at pananaliksik ang nalathala sa mga internasyonal na dyornal at kinilála ng mga pangunahing insti-tusyon sa agham at pisika. Isinulat niyá ang sumusunod: “Velocity Distribution Among ftermionic Electrons” (1927), “High Voltage Electrical Discharge in Very High Vacuums” (1928), “Emission of Electrons Under Intense Electric Fields” (1929), “Effect of Radioactive Radiation on Euglena” (1929), at “Wavelengths of Very Soft X-Rays from Heavy Elements” (1932). Bagaman maraming oportunidad sa Estados Unidos, pinilì niyáng magbalik-bayan upang maglingkod. Bumalik siyá sa bansa noong 1933 at nagpatuloy ng pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Naging punòng administrador siyá ng Philippine Weather Bureau nang sakupin ng bansang Japan ang Filipinas.

Nagsilbi siyá nang palihim sa kilusang gerilya upang labanan ang mga mananakop. Pinamunuan niyá ang pag-tatatag ng Guerilla Weather Station sa Bulacan at nagdis-enyo siyá ng mga teleskopyong maaaring gamitin ng mga gerilya sa gawaing paniniktik at depensa. Pagkatapos ng digmaan, nawasak ang pasilidad ng Philippine Weather Bureau at nasúnog ang mahahalagang talâ, ulat, at dokumento. Sa loob lámang ng ilang taon ay matagumpay niyáng napamunuan ang muling pagtatatag ng Weather Bureau at pagsasanay ng mga bagong kawani.

Isinilang si del Rosario noong 13 Hunyo 1896 sa isla ng Bantayan, Cebu at anak nina Pantaleon del Rosario at Venita Villacin. Nag-aral siyá sa UP at nakatapos ng Batsilyer sa Arte at Inhenyeriya. Nagpatuloy siyá ng pag-aaral sa Yale University hanggang matapos niyá ang masterado sa Pisika. Nakuha niyá ang doktorado sa Pisika sa University of Pennsylvania. Nagretiro siyá at yumao noong15 Setyembre 1982. (SMP)

Cite this article as: Del Rosario, Casimiro I.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/del-rosario-casimiro-i/