Banyaga
Banyaga Sa ilalim ng mga batas ng Filipinas, ang banyagà (alien sa Ingles) ay táo na hindi mamamayan ng Filipinas at dumayo o pumasok sa teritoryo ng bansa. Kung may layuning dumalaw o magliwaliw ang isang dayuhan, kailangan niyang kumuha ng pahintulot sa embahada o konsulado ng Filipinas sa kaniyang bansa. Tinatawag na vísa ang…