Cesar Fernando Basa

(21 Hunyo 1915–12 Disyembre 1941)

Si Cesar Fernando Basa (Sé·sar Fer·nan·dó Bá·sa) ay isang piloto at bayani ng Ikalawang Digmaang  Pandaigdig.

Isinilang siyá noong 21 Hunyo 1915 sa Isabela, Negros Occidental kina Fernando Basa at Rosario Tianko. Una siyáng nag-aral sa kanilang bayan. Nang lumipat ang pamilya sa Maynila ay nag-aral siyá sa Ateneo de Manila bilang kimiko, at nakapagtapos nang may karangalan noong 1939. Itinuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Philippine Army bilang piloto, at nakapagtapos noong 1940. Agad siyáng naging second lieutenant.

Noong Oktubre 1941, nadestino siyá sa Batangas sailalim ni Capt. Jesus Villamor. Binobomba ng puwersang Hapones ang mga base noon. Inatake ng 54 Hapones ang base sa Batangas noong 12 Disyembre  1941.

Pinarangalan ang kaniyang kabayanihan ng Gold Cross Medal at pinuri ni Hen. Douglas MacArthur, ang kumander ng USAFE. Ang Basa Airbase sa Floridablanca, Pampanga ay ipinangalan sa kaniya. Noong 1947, naglabas ng selyo na nagpupugay sa kaniyang kabayanihan. (KLL)

 

Cite this article as: Basa, Cesar Fernando. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/basa-cesar-fernando/