Sulayman, Raha
Raha Sulayman (sirka 1550-sirka 1588) Si Raha Sulayman (Rá·ha Su·lay·mán) ang kinikilalang unang bayani ng Maynila para sa pagtatanggol niyá ng kaniyang kaharian laban sa mga mananakop na Español. Mula sa angkan ng mga maharlikang Muslim sa Borneo, si Sulayman ang pinunò ng Maynila nang maunlad pa itong pamayanang Muslim. Tumanggi siyáng pasakop sa mga…