bayan
báyan Ginagamit sa iba’t ibang kahulugan noon pa ang salitâng báyan. Maaari itong tumukoy sa buong bansa, o sa isang malaking pangkat ng tao, o sa isang dibisyon sa loob ng isang lalawigan. Ang hulíng nabanggit ang higit na tinu- tukoy ng báyan sa kasalukuyang pamahalaang lokal ng Filipinas. Opisyal itong tinatawag na munisipalidád…