Jorge Barlin

(23 Abril 1850–4 Setyembre 1909)

Si Jorgé Barlín ang unang obispong Fili- pino sa Simbahang Katoliko at isinilang sa Camarines Sur noong  23  Abril 1850 kina Mateo Alfonso Barlin at Francisca Imperial. Nag-aral siyá at naging pari noong 19 Setyembre 1875. Noong 14 Disyembre 1905, hinirang si- yáng obispo ng Nueva Caceres, naordi- nahan noong 29 Hunyo 1906, at naging unang obispong Katoliko na Filipino.

Bahagi ng kaniyang tagumpay ang pa- giging unang pari na naging gobernador sibil ng Sorsogon noong 1898. Tumang- gap siyá ng dalawang natatanging karan- galang eklesiyastiko: ang Papal Cham- berlain at ang Protonotary Apostolic Ad Instar   Participantium   (1903–1905). Noong 1907. siyá ang unang Filipi- nong Obispo na bumigkas ng imbo-kasyon sa pagbubukás ng Philippine Assembly.

Naglingkod siyáng pari sa loob ng 34 taón at tatlong taón bilang obispo bago namatay noong 4 Setyembre 1907. (VSA)

Cite this article as: Barlin, Jorge. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/barlin-jorge/