Komisyon sa Wikang Filipino
Komisyón sa Wikàng Filipíno Ang Komisyón sa Wikàng Filipíno ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may katungkulang magsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Nilikha ito bilang pagtupad sa tadhana ng Konstitusyong 1987 at alinsunod sa Batas Republika Blg. 7104 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino…