Lim-Sylianco, Clara
Clara Lim-Sylianco (18 Agosto 1925—) Malaki ang naging kontribusyon ni Clara Lim-Sylianco (Klá·ra Lim-Sil·yán·ko) sa pagpapaunlad ng pag-aaral ng organikong kimika at biyokimika sa Filipinas. Siyá ang kauna-unahang Filipino na nagsagawa ng masusing pag-aaral hinggil sa mutagens, anti-mutagens, at mga mekanismong biyoorganiko. Noong 29 Setyembre 1994, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham. Binigyang…