Plaza Cuartel
Pláza Cuartel Matatagpuan ang Pláza Cuartel (ku·war·tél) sa Lungsod Puerto Princesa, Palawan. Isa itong isinaayos na guho ng lumang tanggulan. Dito sinunog ng mga sundalong Japanese ang 143 Americano na prisoners of war (POW) noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinunog ang mga bihag noong Disyembre 1944, at may labing-isang nakaligtas na lumangoy sa dagat patungong Iwahig.…