Ílog Ágno

Geology, river, Luzon, water, Agno River

 

Ang Ílog Ágno ang isa sa pinakamalaking ilog sa Filipi-nas, at ikatlong pinakamalawak na sistemang ilog sa isla ng Luzon pagkatapos ng mga ilog Cagayan at Pampanga. Matatagpuan ang ilog at mga sangay nitó sa tatlong rehi-yon: Cordillera Administrative Region, Gitnang Luzon, at Ilocos. Ilan sa mga sangay nitó ang Ambayoan, Camiling, Pila, at Tarlac.

 

Ang Ilog Agno ay may habàng 206 km. Nagsisimula ito sa Bundok Data sa kabundukan ng Cordillera, at umaagos patimog. Dumadaan ito sa mga bundok at bangin sa isang makipot na agos bago lumihis pakanluran at lumawak sa Kapatagang Pangasinan. Magkikita ang landas ng Agno at pangunahing sangay nitó, ang Ilog Tarlac, sa Latiang Poponto malapit sa bayan ng Bayambang. Pagkaraan dito, dumadaloy ang Agno pahilagang-kanluran bago bumuhos sa Golpong Lingayen.

 

Tuwing pana-hon ng tag-ulan, nagdudulot ng pagbahâ ang Ilog Agno lalo sa mga mabababàng bay-an sa Kapatagang Pangasinan. Isa ito sa mga naging dahilan ng pag-tatayô ng Dikeng Ambuklao sa Bo-kod, Benguet. Gi-nagamit din ang dike upang maka-likha ng koryente at bílang irigasyon para sa mga sakah-an sa Pangasinan. Pagkagawa noong dekada 50, ang

 

Dikeng Ambuklao ang pinakamataas at pinakamalaki sa buong Silangang Asia. Matatagpuan din sa Ilog Agno ang Dikeng Binga sa Itogon, Benguet at Dikeng San Roque sa San Manuel, Pangasinan. (PKJ)

Cite this article as: Ílog Ágno. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/ilog-agno/

Related Articles