Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

salágúbang

Ang salágúbang (genus Phyllophaga) ay kulisap na mapanira ng dahon ng halaman. Mula ito sa salitang Griego na phyllon at phagos na ang ibig sabihin ay kumakain ng dahon. Ang Phyllophaga o New World Scarab beetles ay malaking genus na binubuo ng mahigit 260 species. Kilala din bilang May beetle, June bug, at June bee-tle dahil sa buwan ng Mayo at Hunyo nagsusulputan ang mga ito.

Kadalasang tumatagal ang buhay ng salagubang hanggang isang taon. May ilang uri naman na tumatagal hanggang dalawa o tatlong taon. Nagsisimu- la ang kanilang buhay mula sa itlog na inilalabas ng babaeng salagubang. Ang babaeng salagubang ay mangingitlog ng 60 hanggang 75 sa loob ng dalawang linggo. Ang mga eliptikal na itlog na may sukat na 1.5 milimetro at 2.1 milimetro ay inilalagay sa mga binilog na basâng putik at ibinabaon sa lupa. Pagkatapos ng 18 araw, mapipisâ ang itlog at lalabas dito ang mapu-puting uod na may habàng 40 milimetro na patuloy na maninirahan sa ilalim ng lupa upang doon magpalipas ng panahon at maging pupa. Lumalabas ang mga tigulang na salagubang tuwing tag-init.

Pangunahing pinagkukuhanan ng pagkain ng salagubang ang mga dahon ng punongkahoy at iba pang halaman. Ang mga uod ay kumakain ng ugat ng damo at iba pang halaman. Dahil dito, nagiging suliranin ang salagubang para sa mga nagtatanim. Ang paninirahan nitó sa isang lugar ay nagdudulot ng tuyo at hindi malusog na lupa at sakiting mga halaman. Isang paraan para malaman kung may naninirahang uod sa isang taniman ay ang malimit na pagdapo ng mga ibon upang tukain ang mga ito.

Peste man kung kadalasang ituring ang mga salagubang para sa karami- han, nakakita pa rin ng gamit ang ilang Filipino mula rito. May ilang ba- hagi sa Filipinas na iniluluto ang salagubang bilang ulam. Dalawa na rito ang bayan ng Gabaldon at Lungsod Cabanatuan sa Nueva Ecija. Gamit ang purong sukà mula sa tubó, at maraming bawang, karaniwang inaadobo ang salagubang. Bagaman may kamahalan ang sangkilo nitó, ipinagma- malaki ang adobong salagubang sa hapag kainan ng mga mamama-yan ng Gabaldon at Cabanatuan lalo na kapag may pagdiriwang. (KLL) ed VSA

 

Cite this article as: salágúbang. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/salagubang/