Agustin C. Fabian
(15 Agosto 1901–24 Abril 1976)
Si Agustin C. Fabian (A·gus·tínSiFab·yán) ay isang nobelista, editor, at mananaysay sa Filipino.
Isnilang siyá sa Plaridel, Bulacan noong 15 Agosto 1901. Natanggap niya ang degree in industrial administration sa Illinois University sa Estados Unidos. Ikinasal siyá una kay Angela Fernandez at nagkaroon ng limang anak at nang pumanaw ito, kay Rosario Jose at nagkaroon silá ng dalawang anak.
Naging literary editor siyá ng Graphic mula 1929 hanggang 1940 na naging daan upang mapaunlad ang panitikang Filipino sa Ingles. Nagtrabaho din siyá sa Liwayway at naging aktibong tagapangasiwa ng mga aktibidad na humihikayat sa mga kabataang manunulat mula mga taóng 1950 hanggang 1960; nagsulat sa kolum na Bagong Dugo na nagtatanghal ng mga hindi pa kilalang manunulat. Dahil dito nakilala ang mga panulat nina Rogelio Sicat, Edgardo M. Reyes, Eduardo Bautista Reyes, Ave Perez Jacob, Rogelio Ordoñez, Efren Abueg, at Domi- nador Mirasol.
Sumikat ang mga nobela niya noong dekada 50 at 60. Ilan sa mga ito ang Timawa (1953); Maria Mercedes (1953); Sino Ako? (1961); Basta Mayaman (1962); Hindi Man Hanapin (1963); Mag bayad Ka! (1963); at Ana Malaya (1964).
Ginamit niyang sagisag panulat ang Angel Fernandez, M.S. Martin, Felicisimo Correz, Au- gusto E Fuentes, F. Bani, at Pilar Buendia. Natanggap niya ang mga gantimpalang Pro Patria na iginawad ni Pangulong Carlos Garcia noong 1961 at ang Gawad Quezon sa Panitikan mula naman sa Panitik ng Kababaihan noong 1971. (KLL)