duryán

Philippine Flora, trees, trees in the Philippines, fruits, traditional medicine, medicinal plants

 

 

Ang duryán (Durio zibethinus) ay isang malaking punon-gkahoy na may puting bulaklak, biluhaba ang bunga na balót ng mga tinik. Ngunit kilala at natatangi ang duryan dahil sa bunga nitóng may amoy ngunit itinuturing na masarap ng mga sanáy kumain nitó. Dahil sa pambihi-rang lasa ng duryan, kinikilala itong hari ng mga prutas sa timog-silangang Asia.

 

Ang punò ng duryan ay tumataas nang hanggang 20 met-ro o mahigit pa. Karamihan sa mga puno nitó ay matatag-puan sa Mindanao na pinagmulan nitó. Ang bunga nitó ay kulay berde, matigas, at nababalutan ng maraming ma-lalaking tinik. Ang laman naman nitó ay mapusyaw na di-law hanggang dilaw na may malalaking buto. Malambot ang laman nitó na parang natutunaw na malinamnam na keso. Ginagawang kendi ang laman nitó at ginagamit na sangkap ng iba’t ibang minatamis at panghimagas tulad ng sorbetes, keyk, pastilyas, at iba pa.

 

Bukod sa nakakain ang laman ng prutas nitó, may iba pang gamit ang prutas ng duryan. Ang balat nitó, baga-man matigas, ay dinidikdik nang pino at ginagawang papel. Ginagamit din ang balát mismo na lalagyan ng tubig at hugasan ng kamay o mumugan upang maalis ang kapit ng amoy ng prutas sa kamay at bibig pag-katapos kumain nitó. Nagagamit din ang mga dahon bilang alternatibong gamot. Ang katas ng dahon nito ay ipinapaligo sa ulo ng táong may lagnat upang guma-ling. (SAO)

 

Cite this article as: duryán. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/duryan/