Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

bárit

Philippine Flora, Plants,agriculture

Ang bárit (Leersiahexandra) ay isang klase na pangmatagalang damo. Ito ay may kulay berdeng dahon na magaspang at hindi kasiya-siyang hawakan dahil sa matalim na gilid nitó na maaaring makasugat. Ang dahon nitó ay may sukat na 5 hanggang 13 mm. Ang barit ay tumataas ng 40–60 sm. Ang mga tinik nitó ay parang kanin ngunit mas maliit pa rito.

Ang barit ay matatag sa tagtuyot pati na din sa tag-ulan. Karaniwan itong matatagpuan sa mga mabasâng lugar tulad ng mga sariwang tubig sa kahabaan ng ilog at lawa. Kung minsan ito ay nabubuo at lumulutang na parang banig. Matatagpuan din ito sa mga palayan.

Ang mga batà o muràng barit ay ginagamit na sakate o pakain sa mga kabayo at báka. Kapag kulang na ang mga pakain sa mga kabayo at baka, napipilitang ipakain sa mga hayop ang mga magugulang na barit. (ACAL)

Cite this article as: bárit. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/barit/