baléleng
songs, folksong, music
Ang baléleng ay isang awitin ng pag-ibig mula sa Samal, Sulu. Mula ito sa salitâng “leleng” na nangangahulugang “sinta.” Isa itong awiting mabagal at malungkot tungkol sa isang lalaking namamaalam sa kaniyang iniibig dahil aalis siyá ng Sitangcay papuntang Sibutu hábang nangan-gakong magbabalik muli. Nagkaroon ng sariling bersiyon ng kanta si Max Surban noong dekada 70 at pinanatili ang isang saknong ng orihinal na awitin:
Pila na baleleng, layu-layu
Sitangkay baleleng pasibutu
Bangkaw bunnal baleleng matuyu
Urul kaw baleleng pamalayu.
Maraming ibang bersiyon ang awit bagaman gumagamit ng iisang himig. (KLL)