Ílog Panáy
Geology, water, river, Panay River, Visayas, disaster
Ang Ílog Panáy ang isa sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa pulô ng Panay sa Kanlurang Kabisayaan. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Capiz. May habà itong 98 km. Nagsisimula ito sa kabundukan sa mga bayan ng Tapaz, Capiz at ng Calinog, Iloilo sa gitna ng Panáy bago dumaan sa labindalawang bayan ng Capiz, kabilang ang kabisera ng Lungsod Roxas, bago bumuhos sa Dagat Sibuyan sa Look Tinagong Dagat sa bayan ng Pontevedra. Binubuo ng ilog at tatlong pangunahing sangay (Badbaran, Maay-on, Mambusao) ang Panay River Basin, na may lawak na mahig-it-kumulang 2181 ki-lometro kuwadrado.
Ang ilog ang pinag-mumulan ng malinis na tubig at kabu-hayan (pangingisda, pagsasaka) ng mga mamamayan ng Roxas at maraming bayan ng Capiz. Tuwing panahon ng tag-ulan, hindi nawawala ang panganib ng pag-apaw ng ilog, na nag-dudulot ng pagbahâ sa karamihan ay mabababàng bayan ng lalawigan. Ilan sa mga bagyong nag-dulot ng pag-apaw ay ang Openg (1973), Undang (1984), at Frank (2008). (PKJ)