karpintéro

Philippine Fauna, birds, animal

Ang karpintéro (Dryocopusmartius) ay isang uri ng ibon na may habâng pangangatawan (40–46 sm). May kaha-baan din ang mga pakpak ng karpintero. Naninirahan ito sa mga kagubatan. Lumalawak ang teritoryo nitó sa Eurasia. Ang mga karpintero ay mga ibong hindi palipat-lipat ng lugar.

Kasinlaki ito ng isang uwak at may maitim na mga balahibo. Makikilala ito sa isang puláng korona. Maitim ang kabuuanng korona ng mga lalaking karpintero, samantalang ang korona ng mga babae ay mapula lamang ang likurang bahagi ng korona.

Tuwid kung limipad ang ibong karpintero. Karaniwang kumakain ito ng mga insekto katulad ng mga langgam o minsan naman ay mga maliit na prutas ng punongkahoy na pinupugaran. Isang butas sa punongkahoy ang pugad nito. Nangingit-log ito ng apat o higit pa. Maririnig sa kanila ang mga huning “kuk” o “kyuk”, “kew”, “kew-yow”. (ACAL)

Cite this article as: karpintéro. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/karpintero/