Soto, Juan Crisostomo
Juan Crisostomo Soto (27 Enero 1867-12 Hunyo 1918) Pangunahing mandudula, peryodista, at makata sa Kapampangan si Juan Crisostomo Soto(Hu∙wán Kri∙sós∙to∙mó Só∙to), at kilalá rin sa alyas niyáng “Crissot,” isang aknonim na kinuha sa mga unang pantig ng kaniyang mga apelyido. Nagsimula siyá bilang manunulat para sa mga progresibong pahayagang tulad ng La Independencia, El Liberal…